
Makibahagi.
Isa ka bang miyembro ng organization o indibidwal na naniniwala sa halaga ng mga totoong kwento at makabuluhang pagbabago? Kung nais mong tumulong, makipag-collab, o ipalaganap ang adbokasiyang ito—bukas ang aming tanggapan para sa iyo.
Sama-sama tayong maghatid ng paghilom na higit pa sa panlabas na anyo.
May mga pilat na hindi lang sa balat naiiwan.
Lahat tayo may pilat. 'Yung iba halos hindi na kita. Pero may mga pilat na nananatili—hindi lang sa balat, kundi pati sa kwento ng ating buhay. Sa Belo Medical Group, naniniwala kami na ang tunay na paghilom ay hindi lang panlabas. Ito ay tumatagos sa damdamin at nababakas sa pagbabalik ng tiwala sa sarili, at sa pagiging buo muli.
Ang Belo Scar Project, isang makabagong CSR initiative ng Belo Medical Group, ay bunga ng paniniwalang ito. Layunin ng programa na makapagbigay, hindi lamang ng libreng world-class scar treatment, kundi pati ng panibagong pag-asa, kumpiyansa at pagmamahal sa sarili.

Healing Beyond Skin
Hindi lang ito tungkol sa pagtatangal ng pilas. Ito rin ay simula ng bagong yugto ng iyong buhay.



