top of page

Ang kwento mo ay maaaring magbigay-inspirasyon sa mundo.

May mga pilat na tumatagos sa balat.  Sila ang tahimik na saksi sa sakit, pagtitiis, at katatagan. Mula sa mga burn survivors hanggang sa mga biktima ng domestic abuse, mula sa marka ng matitinding aksidente hanggang sa mga bakas ng paglaban sa karamdaman—ang mga pilat na ito ay hindi kapintasan. Ito ay mga simbolo ng tapang na dapat kilalanin, pakinggan, at ipagdiwang.

​Sa pamamagitan ng Scar Project, 7 indibidwal na may makabagbag damdamin at totoong kwento ang magkakaroon ng pagkakataong maghilom at magbago.

The Scar Project Web photos.png

Sino ang maaaring sumali?

Inaanyayahan ang lahat ng makibahagi lalo na sa…

  • May pilat na may kalakip na makabuluhang kwento ng nakaraan

  • Handa at committed na sundin ang ibibigay na personalized treatment plan

  • Bukas sa pagbahagi ng kanilang kwento sa pamamagitan ng mga litrato, videos, at interviews

  • May scar o peklat na medically treatable o kayang mapatanggal sa loob ng 4–6 buwan

  • Kumakatawan sa iba’t ibang background, karanasan, at uri ng scar o peklat

Ang bawat mapipiling indibidwal ay makakatanggap ng libreng expert scar treatment mula sa Belo Medical Group at ang kanilang pagbabago ay ibabahagi sa social media at sa website na ito, bilang inspirasyon sa iba at simbolo ng paghilom.

 

Ito ay higit pa sa isang campaign. Isa itong pagkilos para sa mga tao na may makatotohanang kwento ng tunay na pagbabago.

 

Handa ka na bang ibahagi ang iyong kwento?

bottom of page